Thursday, October 29, 2009

Hindi pa rin tapos!

Para maiba mag-tatagalog naman ako...

Nag-semestral break nalang ang ibang estudyantem, 'di pa rin kami tapos sa ibang mga kailangang gawin sa 'skwelahan. Ewan ko nalang dito. Eh ganito lang talaga pag-nagtatrabaho ng mga gawain sa major subjects kung saan maraming kailangang gawin. Gawa nito, gawa niyan.

Pag-mascom ka, ganito lang talaga buhay. Gagawa ng mga final requirements tulad ng TV at radio news programs, documentaries, short film, at marami pang iba. Buti kung may mga kagamitan na magagamit kaagad. Eh wala. Kailangan pa namig mang-hirap, sa guro mismo namin, sa kaklase o 'di kaya mag-renta nalang. Meron ngang kamera at computer sa aming departamento, eh problema 'di naman pinapahiram. Kung ipapahiram naman, sa loob ng skul lang. Eh ano bang gagawin namin kung sa skul lang, na may mga interviews at shoots na dapat kunin sa labas?

Ewan ko kung ma-submit namin 'to ng 'on-time', eh parang super extended na kaya ang ginagawa namin. Eh sa isang lingko pa 'to dapat na-submit na. 'Yon na nga ala kaming gamit. Maaabutan nalang kami sa enrolment, 'di pa rin kami tapos. Bahala na 'to. Basta gagawin nalang kung anong makakaya.

Mapapakamot na lang yata ako nito...

No comments:

Post a Comment