Wednesday, May 4, 2011

Your Daily Horoscope

View this in video with YouTube!!!

 *Aries – Ikaw daw ay maamo tulad ng isang topa. Mabarkada at medyo pala copya, kaya raw kalimitan sumusunod ka lang sa kung saan papunta ang iyong mga barkada. Payo: Gumawa ng sariling desisyon at diskarte sa buhay. Ang tanda mo na kaya! Mahiya ka naman! Lucky Number: 143, parang I love lang, sabay reply 14344 – I Love You Very Many! Lucky Color: Kamatis Red with Itlog Yellow

*Libra – Nababalanse mo raw ang lahat ng bagay, kung ano’ng mali sa tama... Payo: Pakitimbang naman ng bigas naming oh, wala kasi kaming timbangan. Baka kasi makulangan. Sigeh na! Lucky Number: 1 kilo of rice Lucky Color: Black and White at Sa Pula, Sa Puti

*Virgo – Matalino’t masipag ka raw. Matulungin sa kapwa at mapagbigay...Payo: Hindi ka kaya kunin ni Lord? Bait mo kasi eh! Sabi nga ng isang kanta, “Ang bait mo naman, sana kunin ka na ni Lord”. Lucky Number: 100 days to Heaven Lucky Color: Angel Blue

*Aquarius – Mahilig ka raw sa tubig. Mabusisa sa lahat ng bagay. Payo: Pwede mo bang linisin ang bakuran naming at paliguan mo na rin ‘yong mga alaga ko ha?! Salamat! Lucky Number: H2O – tubig! Lucky Color: Beachy White

*Cancer – Masamang balita, magkakaroon ka raw ng isang malubhang karamdaman. Hindi mo malaman-laman kung ano’ng gagawin. Payo: Gago! Pumunta lang sa isang clinic, magpatiningin sa doctor at bumili ng gamut! ‘Yon lang ka simple! Lucky Number: 50:50 Lucky Color: Dark Black

*Leo – Mahilig ka raw mag-basag ulo. Nanghahamon palageh ng away at sinasabing mukha ka raw adik sa long hair mo... Payo: Anong paki nila sa long hair mo, ‘di nila alam na sila’y mga kalbo... Lucky Number: Shining Zero Lucky Color: Bloody Red with Cuts

*Scorpio – Masyado ka raw matapang, walang kinatatakutan. Nanlilisik ang mga mata at may mga kamay na handang-handa ng makipagbakbakan... Payo: Try mo kayang maghamon.. Subukan lang natin kung wala nga bang papatol sa’yo... Lucky Number: 12 rounds Lucky Color: Venom Black

*Pisces – Mapagmahal ka raw sa mga hayop lalo na sa mga isda... Payo: Feeling close?! Huwag masyadong very close sa kanila, baka mamaya eh isda ang ulam n’yo, ‘di mo pa makain-kain, so diet ang gimik, ganun?! Lucky Number: Bantay Bata 163 Lucky Color: Isda White

*Sagittarius – Mahilig ka raw sa larung archery. Ang tulin-tulin mo raw maglakad lalo na kung tumatakbo.... Payo: Lumingon-lingon ka naman ng kaunti, lumiko rin paminsan-minsan, eh kung hindi naman, baka may nakaharang sa daan, mabangga ka pa, masira pa beauty mo teh! Lucky Number: Target Line Swer-threes! Lucky Color: Colorless

*Capricorn – Hindi ka raw mahilig maligo. Ayaw mo ring magsipilyo’t manghugas ng kamay... Payo: Ikaw ba ‘yong nasa isang kanto kahapon at nangmamalimos? Gumigimik? Galing naman ng strategy! Lucky Number: Barya lang po sa Umaga Lucky Color: Dungis White

*Gemini – Hindi ka raw mapakali, gusto mo raw manalamin palagi... Payo: Isang besis sa isang araw lang manalamin, kung hindo, ika nga nila baka maka basag ka! Lucky Number: 2-in-1 plus 1 with twin sachet Lucky Color: Tuba Orange

*Taurus – Mainitin daw ang ulo mo, ayaw mo raw magtatatabi sa tao o bagay na nakakulay pula... Payo: Magpakunsulta sa isang expesyalista , baka highblood ka lang o ‘di kaya’y maglagay ng ice sa ulo para cool ang feeling at para malamigan naman! Lucky Number: Isa, Dalawa, Takbo! Lucky Color: Red, para mainis ka lalo!

*Ophiuchus – Ewan kung merong nagmamay-ari ng zodiac na ito. Feelerette! Anyway, mahilig ka raw sa ahas! Lahat ng ginagawa mo ay dapat may kaagipat na ahas. Nakikipaglaro ka raw sa kanila. Pati kinakain mo ahas... Payo: Huwag masyadong maingganyo sa ahas, baka bukas makalawa, mukha mo’y maging ahas! Lucky Number: Knot 88 Lucky Color: Ahas Green

No comments:

Post a Comment