Tuesday, May 17, 2011

General Santos: Home of the Champions


View this in video with YouTube

At Its Best!!!

Magaling sa Sports, Acting, Singing, Dancing with Beauty and Brains at kung ano pa --- “General Santos City: Home of Champions”

‘Yan po ang iilan sa mga natin sa mga taga General Santos, na kinikilala ngayon bilang “Home of the Champions”…

Sabi nga nila no’ng nagpamudmud ng sangkatirbang talento at abilidad, aba'y lahat na yata ay nasalo ng mga taga General Santos! (Tumpak!)

Manny Pacquiao (Boxing Champ)
Shamcey Supsup (Beauty Queen)
Nonito Donaire (Boxing Champ)
Melai Cantiveros (Reality TV Winner)
XB GenSan (Talent Contest Winner)
True Colors (Talent Contest Winner)
Philip Nadela (Singing Contest Winner)

Sila ang iilan sa mga nagtagumpay sa kani-kanilang larangan at sila’y taga General Santos.

Tinawag din ng Asean Institute of Management ang GenSan na “most competitive mid-sized city”….

Dahil ang GenSan ay magaling, ano kaya ang magiging epekto nito sa kanilang lugar, sa mga tao roon at sa GenSan sa kabuoan?

Hindi lang dahil sa Tuna Capital ang GenSan, maraming negosyante rin ang mag-tatayo ng negosyo roon. Gaya nang malls at iba pang infrastaktura. At dahil do’n, magkakaroon ng trabaho, lalago ang lugar at maraming pupunta sa GenSan. Ito’y sa kadahilan na maganda ang imahe nila ngayon.

Pero paano kaya mamaging “Home of the Champions” ang isang lugar?

Ito share ko sa inyo ang iilan sa mga checklist na dapat na pakatandaan:

Unang una, dapat na may pangarap (dream) ka at itong pangarap na ito ang magiging basihan mo para mag-pursigi (persistence) ka na maabot mo ito sa darating na araw.

Dapat ding hindi ka mawalan ng pag-asa (hope). Sabi nga ni Kuya Kim “Weather-weather lang ‘yan” at ayon pa sa kanta ni Rico J “May Buka Pa”.

Ika nga, Patience is a virtue! But time is gold! But if you are willing to wait, time can heal a broken heart!!!

Anyway, dapat ding mei respeto (respect) at madisiplina (discipline) sa sarili. ‘Wag maging abusabo, sigeh ka, eh sa huli ikaw din ang mag-sisisi. “Take things one at a time, ika nga. Dapat din na maging matyaga (eagerness), di ba nga “pag mei tyaga, mei nilaga”!

Sabi nga ng nanay ko “If there’s a well, there’s a way”,. Sabi ko naman, eh di ba nga “If there’s a wheel, eh ‘di ba saksakyan ‘yon?” (LOL)

Anyway, pagtrabahoang mabuti (work hard) ang isang bagay, hindi naman lahat ura-uradang dadating. Dapat ding maging maka-diyos (Pro-God), maka-tao (Pro-Man), makakalikasan (Pro-Nature) at RH Bill (Pro-Life)… tama ba?!

Ayon, sana eh mei napulot po kayo sa mga pinagsasabi ko dito at ‘wag na ‘wag n’yong kakalimutan… Mag-Cherifer na! Ai hindi, mag “Memory Plus” pala! Try din ninyong ulit-ulitin ang mga checklist na nasabi ko, di kaya kayo mahilo? (LOL)

No comments:

Post a Comment