Thursday, May 12, 2011

Top 15 Tips To Becoming An Emcee

The Hosting Tandem 
(Me Right, With Bea. This was taken during a TV hosting job for the
street dance competition of the Hugyawan Festival of NORSU.)

Actually I got this written and posted on December 17, 2009 with my former blogspot URL and now I’m reposting this again to share some ideas with a little corrections and changes. It's also because somebody from the feed came across it and I was also wondering what was on the post and when I read it, I remembered a lot of things with my little experiences when I was still in college with hosting. But you may check the original post here.

Ano nga ba talaga ang pagiging isang tagapagpakilala? Or in English, what is being an Emcee actually?

Master of Ceremonies /Emcee /MC/Host/Toastmaster....

According to Wikipedia.org, "a master of ceremonies, or MC (emcee), is the host of an official public or private staged event or other performance. The MC usually presents performers, speaks to the audience, and generally keeps the event moving. An MC may also tell jokes or anecdotes." --- masaya, 'di ba?!

Though I’m emceeing small time events in school, I have taken a long road with my stint as an amateur talent in hosting. My experience would tell that there are a lot of things to be understood with hosting events. Sometimes there are flaws in the program. There are even misunderstanding and all that. But as the master of ceremony, you should be knowledgeable enough on what to do.

In this post, let me share with you some tips for better hosting and the Dos and Don'ts of such. Read every tip very carefully, if ever you happen to be an aspiring one.

Bago muna ang lahat, para mas maintindihan ng lahat ang mga bagay-bagay dito, marapat lang na Tagalugin po natin ang ipapamudmud este ipamamahagi kong mga tip ngayon. Ito po, basahin, intindihing mabuti, at itatak sa utak ang lahat ng nakalagay dito (in random order):

TIP#1.Be prepared all the time. Kailangang maging preparado sa lahat ng oras (trinaslate in tagalong lang oh). 'Di natin alam, may lalapit sa'yo at hihingi na favor para mag-host. Ta's 'yon na 'yon. At 'di ka rin makatanggi kasi nga wala kang choice, kailangan mo nga din 'yon. For exposure, di ba?!

TIP#2.Magdala ng Ballpen palagi. Importanting-importante na may dala palaging sandata sa bawat laban na gagawin tulad nalang ng isang ballpen o kahit anumang panulat. Para in case na may dapat isulat 'tas wala kang panulat, so memorize muna ang gimmick. Eh, kung makalimutan mo pa. Mapapasama ka pa do'n. So embarrassing.

TIP#3.Daanin nalang sa Black Shoe ang lahat. 'Yon nga lahat ng bagay ay uncertain, ta's dapat ka ngang magbihis, eh walang-wala talagang maisuot. Dabat kahit anumang attention-grabbing na bagay gaya nalang ng sa sapatos. Kahit na pamilyar na pamilyar na sa lahat 'yong sinusuot mo, at least shiny and shimmering pa rin ito. Wala silang ganu'n!

TIP#4.Mag-lead sa pag-awit ng Pambansang Awit. Kung walang mangunguna sa pag-awit ng Pambansang Awit ng Pilipinas, ikaw nalang. Nagtutulakan pa kasi sila, eh magsisimula na kaya. 'Wag maghintay, lead mo nalang at kakanta din ang lahat.

TIP#5.Be thankful kahit Mineral Water lang ang TF. Matapos ang lahat ng isang pagpapakabayani sa harapan ng maraming tao at mga pag-a-adlib2x na 'di mo mahanap-hanap, kahit tubig lang ang ibigay bilang talent fee, 'wag ng malik-ramu at tanggapin mo nalang. Tubig lang talaga ang kapalit ng lahat at ipaubaya mo nalang kay ang iba kay Bro.

TIP#6.Mag-C3 at large Coke with Extra Rice. At sinagot na ni Bro ang mga panalangin mo. Kakain na kayo sa isang kilalang fast-food chain --- sa Jollibee lang naman, ano ba. Mukhang sounds yummy 'yon. 'Pag pina-order ka, wala ng hiya-hiya, 'yong kaya sa bulsa at budget ng nag-offer sa’yo at mabubusog ka na. Kung may extra pa, go grab the chance.

TIP#7.Be friendly. Sa lahat ng bagay o taong makilala mo, hindi sa plastikan lang, marapat lang na mag-smile, pay respect, at maging friendly kahit na 'di sila ganu'n sa'yo. 'Yon nga, kailangan eh. Parte na 'yon ng trabaho mo at magkakaroon ka pa ng new set of circle of friends.

TIP#8.Gumamit ng mga Remarkable Words. 'Pag wala nang maisip na salita, gumawa nalang ng sariling bokabularyo tulad na lang ng efforted, meaning past tense ng effort (meron ba nu'n?), at twirling, ibig sabihin, upsidedown and side-to-side na 'di na rin naman masyadong naintindihan. Kung wala na talagang masabi, shut-up na lang muna, kahit lull ang show (masama ‘yon). Kaysa magkamali-mali ka pa at i-kokorek ka, like, instead of 'lips synch' nasabi mong 'lips singing'. Mali talaga, 'di ba? So, please “corrected by” muna.

TIP#9.Act Professionally. Kahit amateur talent ka lang, kailangang ipakita mo sa lahat na alam mo ang mga pinanggagawa mo sa intablato. Mas 'di alam ng iba ang mga technicalities ng trabaho mo, so go forward ka. Para din sa credibility mo 'yan. Face the crowd with confidence dapat.

TIP#10.Be Confident. Sa isang trabahong tulad ng hosting, kailangang humarap sa mga audience with great pride and confidence. Kahit na 'di mo alam ang pasikot-sikot ng programa kasi nga walang proper program, sinulat lang sa papel (no budget) at bago lang din na ipina-aabot sa’yo, kailangang 'di ka magpahalata --- kasi nga din sinabihan ka sa mismong araw ding iyon. Stand before the crowd, smile, at magpakitang gilas na.

TIP#11.'Wag pakakabog sa mga Overtaker. 'Di maiiwasang may sapawang magaganap, kaya't maging handa sa lahat ng oras. This someone might be a participant, a leader, and of course, an insecure. Gawang may mga taong ganito, pabayaan nalang sila, tatahimik din 'yan. Hindi kasi nabigyan ng break, ewan ko lang.

TIP#12.Sumunod lang sa Utos. Anumang sabihin ng nagpapagawa sa'yo, sundin mo nalang. Wala kang magagawa kasi 'yon ang gusto eh. Like, dapat isigaw ang mga salitang ito: "what do we want for the victims? JUSTICE!", three times dapat o mas mabuting more than than. At mag-tone down pagkatapos, para bang gutom lang. Follow orders lang muna tayo ha?!

TIP#13.Repeat Plugging. Kung feel mo na may lull ang show, gawing greeting time muna ang show. Say thanks sa mga sponspors at imbetahin ang mga audience sa iba pang mga activities, kung meron man. Kung wala pa din, dahil sa mga technical difficulty na ‘yan, maging alisto at banggitin ulit ang nasabi sa simula. Gawin ito hanggang maibalik na sa tama ang lahat with style. 'Wag ding kalimutan ang pagbanggit ng thank you sa mga taong may malalaking posisyon sa programa, baka magalit sila.

TIP#14.Kevz sa mga Detractors. Hindi maikakailang may mga taong 'di mapakali at kating-kati sa paggawa ng mga estorya at sisiraan kang talaga. Be optimistic, ika nga. Mga insecure lang talaga sila. Ta's sasabihan ka na 'talent2x pa mo'. Minsan din, magte-take advantage lang. Sa nakuha mong pera bilang TF, maliit pa, gagatasan ka pa. Sumasali at sumasalo pa sa grasya ng iba. Walang ka-effort-effort na hihingi o maske thank you man lang, wala talaga. Hayaan nalang sila, ganyan lang talaga ang gimmick ng mga taong ito.

TIP#15.Be an Overall Package. Maging isang mahusay na host, 'yon ang tangi mong goal sa adventure na ito. Marahil sa hinahaba-haba ng panahon, may mga pagkakataong mahirap, meron din namang okay lang. Kahit na may palya minsan o ipagpalagay nating kalimitan, sabi nga ng isang linya "lessons learnt". Lahat ng bagay ay natutotunan ngunit kung 'di naman dinadamdam, wala ding mangyayari (with passion sa work dapat). Kung inggit lang din ang namumuo kaya ginagawa mo ang isang bagay, mali 'yon. Kung nasa ganuong linya ka nararapat, so dapat lang din na pag-igihang mabuti kahit pa ito'y maliit lamang, may kapalit man o wala.

The following tips above might help someone or not but all are based on experience. Thank you for considering though. All I can say is, hosting might sound very easy but it would take time for a person to be acquainted with the job.

Pasensya na po sa wrong gramming at sa paiba-ibang lingwahe or sa sinasabi nating shift of language (mei ganun talaga?!) from tagalog to English and the other way around (nakakalito noh?)...

No comments:

Post a Comment